Friday, April 24, 2015

Sinigang na Maya-Maya





Mga Sangkap:
  1. 1 kilo Maya-maya (kung malaki i-slice)
  2. Sitaw
  3. Kangkong
  4. Okra
  5. 3 pcs. Siling pang-sigang
  6. 2 pcs. Toamtoes (slice)
  7. 1 large Onion (slice)
  8. 2 thumb size Ginger (slice)
  9. 1 sachet Sinigang Mix
  10. 2 tbsp. Cooking Oil
  11. Salt or patis to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.
2.  Lagyan ng nais na dami ng tubig pang-sabaw at hayaang kumulo.
3.   Kapag kumulo na, ilagay ang sitaw, siling pang-sigang at okra.   Takpan at hayaan ng mga 3 minuto.
4.   Ilagay na ang maya-maya at timplahan ng asin o patis.  Hayaang maluto ang isda.
5.   Sunod na ilagay ang sinigang mix.  Tikman at i-adjust ang lasa ng sabaw.
6.   Huling ilagay ang talbos ng kangkong at hayaan pa ng mga 2 minuto.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

No comments:

Post a Comment